#throwbackthursday

coke o pepsi?

sinigang na baboy o nilagang baka?

may pasok o walang pasok?

Masaya akong makakasabi na mayroong panahon akong lumaki sa aking buhay na wala pa, o hindi pa masyadong popular ang Facebook. Noong panahon na strikto pa ang panuntunan hinggil pagiging miyembro ng Facebook, ang mga bata, noong mga oras na hindi sila’y nag-aaral, ay karaniwang nagsusulat tungkol sa kanilang mga damdamin sa pamamagitan ng talaarawan o dyornal. Paminsan-minsan, pinapasulat pa nila ang kanilang mga kaibigan sa kanilang mga talaarawan dahil ito ay paraan upang panatilihin ang mga alaala. Ipinasulat lamang ang mga bagay na gusto nilang matandaan. Ginamit ang pagsulat sa mga kwaderno ng iba bilang pakikipagkapwa; upang matuto tungkol sa kaisipan ng iba. Dahil ginawa ng isa, ginawa ng lahat. Ngunit mayroong mga estudyanteng namamahalan sa pagbili ng sarili nilang Slambook, sila nalang ay gumawa nalang ng kanilang sariling Slambook gamit ng papel, pangsulat, at pangdikit. Pina-paraan ito ng lahat.

Mayroong partikular na tawag dito, at ito ay ang Slambook. Ano ang Slambook? 

Bago ang Facebook, may Slambook.

Ang Slambook ay nagsasama-sama ng konsepto ng isang dyornal at pagpasa ng mag tala. [1] Mayroong iba’t ibang mga uri ng Slambook, at karaniwan ang may-ari ng kwaderno ay siyang magtatanong ng kahit anong gusto niyang malaman tungkol sa kaniyang mga kaibigan. Ang libro ay ipapasa sa iba’t ibang mga piniling kaibigan, at kanilang sasagutin ang mga tanong. Ang mga paksa ng tanong ay walang tiyak na layunin, at maaari maging tungkol sa anumang bagay sa ilalim ng araw. Maaari ito maging kasing babaw ng paboritong kulay, pagkain, gawain, numero, guro, klase. Maaari rin ang mga tanong maging kasing tindi ng mga layunin sa buhay, ang nagpapatibok ng puso, pinakakinatatakutan ng tao, at iba pa. Dito malalaman ng may-ari ng libro ang mga kaugaliang pangkaraniwan o pangmadla, o kaniyang maipagtanto ang mga aspeto na nagpapa-iba sa kanya. [2] 

https://www.buzzfeed.com/leonoraepstein/this-slam-book-says-everything-you-need-to-know-about-80s-te

[3] ^Ito ang url upang makita ang itsura ng Slambook noong ’80s.

51248282_246384716293484_1891817305864667136_n

This slideshow requires JavaScript.

Ito naman ang Slambook ko, na aking binili sa Scholastic Book Fair noong 2009. Binili ko ito dahil nakita ko na binili rin ng aking mga kaklase – nakisama lang ako sa uso. Tuwing aming recess, ito ang paboritong gawain ng klase namin, babae o lalaki. Mapapansin na ito ang mas modernong bersyon ng Slambook kapag inihambing ito sa bersyong 80’s. Para sa ilan sa mga tanong, mayroong mga pagpipiliang sagot.

Paano ihahambing ang pagsla-slambook sa pagfa-facebook?

Una, ang presentasyon – Nagpapakita ang Slambook ng personal na estilo ng may-ari habang ang hitsura naman ng Facebook ay mas panlahat.

Pangalawa, ang kasarian – Higit na popular sa mga batang babae kaysa sa mga lalaki kung saan ang Facebook ay popular sa lahat ng kasarian.

Pangatlo, ang edad – Kung iisipin na ang Slambook at ang Facebook ay umiral sa parehong panahon, pagdating sa Slambook, ang hanay ng edad na gumagamit ay 9-17 taong gulang, habang ang gumagamit ng Facebook ay sumasamo sa masmalawak na hanay ng edad.

Pangapat, ang paggamit – Sa paggawa ng Slambook, kailangan ng papel at pansulat habang maaring buksan ang Facebook sa pagitan ng lugar na may WiFi gamit ang cellphone, tablet, o computer.

Panglima, ang relasyon ng kaibigan – Ang Slambook ay nag-aalok ng mas personal na relasyon sa mag kaibigan na gumagamit dahil mahirap makipag-usap sa isang estrangherong magkaroon ng ilang minuto upang sagutin ang mga tanong. Sa Facebook, ang mga estranghero o hindi masyadong malapit na kaibigan at mga malakit na kaibigan ay maaari mag-like ng iyong post kung nakita nila ito nakakaaliw. [4]

Ang kabalintunaan ng pag-Slambook ay ang ilusyon ng matingkad at sumasamo na kulay na parang siyang kumakatawan ng matatag na kaibigan. Ang Facebook, na walang katapusang listahan ng mga imnungkahing kaibigan, ay nagbibigay ng ilusyon na iyan ang pinaka-masayang gawain. Ngunit ang pagkarga ng personal na impormasyon ay may malaking responsibilidad. Tulad ng Facebook, mayroong mga kasong pang-aapi o pag-abuso ng nakalantad na impormasyon na nagsira ng relasyon dahil sa pag-Slambook, pero hindi ko na tatalakayin ang paksang iyan. Kahit na may paglaganap ng teknolohiya, tayo pa rin ang parehong mga tao na nais na matanggap ng iba, at ang pag-Slambook, tulad ng pag-Facebook, ay lumilikha ng ilusyon na ang pagsali rito ay nagpapatibay ng pagkakaibigan. Hindi ko napagtanto kung gaano pala ako ka desperado upang sumali. Mas masaya nga ba ako na ako’y nakaranas ng paglaki sa panahon na wala pa o hindi pa masyadong popular ang Facebook?

Gusto lang naman nating lahat tandaan ang masaya, diba?

Talababa:

[1] wikiHow Staff, “How to Make a Slam Book,” wikiHow,

[2] Gill, Mickey, Gill Cheryl. The Ultimate Coke or Pepsi. Longwood, Florida: Fine Print Publishing Company, 2009.

[3] Weitz, Elizabeth, “THE SLAM BOOK: My Generation’s Version of Facebook,” Forces of Geek,

[4] Iris, “Slam Book and Facebook,” WordPress,

Talasanggunian:

wikiHow Staff. “How to Make a Slam Book.” wikiHow. February 1, 2019. https://www.wikihow.com/Make-a-Slam-Book

Gill, Mickey, Gill Cheryl. The Ultimate Coke or Pepsi.

Weitz, Elizabeth. “THE SLAM BOOK: My Generation’s Version of Facebook.” Forces of Geek. January 9, 2015. https://www.forcesofgeek.com/2015/01/the-slam-book-my-generations-version-of.html

Iris. “Slam Book and Facebook.” WordPress. December 22, 2017. https://irisdcrystal.wordpress.com/2017/12/22/slam-book-and-facebook/

 

Leave a comment